ta-ta namby-pambies poppycock pages
I just thought that maybe it’s unfair to write things that are intentionally talking to someone on a post who doesn’t know on his part that he’s the one you’re talking about. After all, nothing happens. Aside from the fact that you’ve expressed almost everything – emotions that are weird or mixed burst feeling. In such a not so big space where reminisce might come up and deal into the point of mesmerizing stories, songs, or even places all over again, words that came up in the past are not just words. But now, words are just words that manipulated by the mind.
To those characters that I’ve encounter, I unwind myself who’s breathing. Ittekimasu or itterasshai, it’s I’ll go or please go but no one would come back. All I can say is sumimasen. Sumimasen for being unfair. Sumimasen for being selfish. Sumimasen for being bitter. Sumimasen for the disturbances that I’ve made. And sumimasen for running away. This time, I think I’m succeeding for holding the words I need to keep. For being sometimes a frigid one.
It’s not necessary to fill up blank pages in order to say that it contains something. Sometimes, we need to realize that maybe in the past; someone already filled it up and just erased it. Two hands in the clock meet once in every hour. But, do they know that sometimes, there is another hand that’s moving every second just to see that even if she always meets the other hand; she doesn’t have time to stay even for just a minute? Unless, the clock stopped on its own with the coincidence factor.
This, maybe the last time that I’ll post things like this. To those characters that I’ve encounter, maybe I just need to think that I just lost in the chapters I’m not supposed to. Once again, sumimasen and ta-ta namby-pambies poppycock pages.
18 units + 3 units (as regular sit-in) = full load!?
My gudnez! 18 units ako ngayon. Kung matu-21 units ako, ga-graduate na ako ngayong sem. Pero dahil naisipan ko na ipagpaliban ang 200 ko at sa 2nd sem na lang ito kunin, gudnez! Hindi pa ako ga-graduate ngayong sem. Mahirap namang gumagawa ka pa lang ng proposal sa sem na toh at the same time eh ginagawa mo na rin ang thesis mo na ipe-present mo at the end of the sem. Pero parang 21 units talaga ang nangyari sa akin ngayon. Napasubo talaga ako!
Eto ang sked ko:
M: 5-8pm PI 100 (gush! wala akong driver. ahaha)
TTh: 8:30-10 lingg 110, 10-11 fil 103, 1-2:30 ms1
WF: 1-2:30 edh 110, 2:30-4 fil 199
Pero kahapon, after nung ms1 ko, niyaya ako nung friend ko na mag-sit in sa isang japanese class. Actually, niyaya siya nung isa ko pang friend na mag-sit in sa class na yun at dahil interesado siya, go! Eh ako, walang kabalak-balak. At yung friend ko na nagyaya dito sa isa ko pang friend eh sit-in rin. Kilala lang niya yung prof. Oha! Sa madaling salita, sit-in kaming tatlo. Pero kahapon talaga, after nga nung ms1 ko eh napasubo ako. Dahil 1st day ng klase at wala pang mga mabibigat na pinapagawa eh naisipan ko na mag-sit in. One time lang, ang sabi ko sa sarili ko. Before kami pumunta sa room na pagsi-sit in-an namin eh sinabi nitong friend ko na kilala daw ako nung prof. Classmate kasi namin yung prof. sa 155 dati. Kaso sabi ni friend, kapag nagkakasalubong daw sila, hindi yata siya namumukaan ni kuya – yung prof. namin sa sit in class. Eh ako, kilala pa ni kuya kasi nga nagbabatian kami kapag nagkakasalubong kung saanman. Malay ko bang prof. na pala siya. Eh tuwing nakakasalubong ko si kuya, ang tingin ko sa kanya eh classmate. Yun pala, prof. siya. Kaya super feel na feel ko ang pagiging sit in sa class niya.
Eto na oh. Ang saya sa class niya! I love it. Nakakaloka lang kasi wala nang maupuan yung mga late na estudyante niya. Na-cccupy na namin ang mga chairs. Partida ang pagsi-sit in. At ang malufet, sobrang napasubo talaga ako. REGULAR sit-in na kami sa class na yun. At kinausap kami ni kuya tungkol sa pagiging regular sit-in namin na wala naman daw problema basta… (confidential). Mas gusto niya na regular sit-in kami. Japanese class kasi toh. Kapag umabsent ka kahit isang beses lang, baka mawala ka sa discussion. You bet!
Siyempre may quiz, presentation, etc. sa class niya. Sabi ko kay friend, hala! parang nag-21 units na rin ako. At sabi ko pa, wala akong balak mag-review kasi nga lalabas na parang nag-21 units na rin ako kahit na hindi official yung 3 units kasi nga sit in. Tapos sabi ni friend, na hindi naman kami ge-grade-an. Oo nga naman. Pasensya. Umiral ang GCnez! Kaloka! Nagke-crave pa ako for high grades eh sit in nga lang pala ako.
Sa PI 100 namin, hindi ako pumasok nung monday kasi sabi ng friends ko eh next monday pa ang 1st meeting dun kasi nga tuesday (kahapon) ang start palang ng pasukan. Pina-text ko sa friend ko yung prof. namin dun para itanong kung next monday o nitong nakaraang monday yung 1st meeting namin. At nag-reply naman na hindi na daw siya yung prof. sa sked na yun. So kahapon, kinausap ko si kuya rolz – ang taga-enlist sa dept namin tungkol dun. Natatakot kasi ako na baka ang ipinalit eh terror na prof. Binabalak ko kahapon na mag-change mat for PI 100 kasi ayoko nang may monday class. Pero mukhang wala silang balak mag-open ng new PI 100. Kamustah naman ang petisyon ng PI 100 sa tapat ng dept namin na halos sasabog na dahil nag-uumapaw ang mga pangalan nung mga nag-sign sa petisyon, mailagay lang yung pangalan. Ewan ko lang kung granted na yun. Mukhang hindi. Last day na kaya kahapon. At yung ipinalit na prof. batay kay kuya rolz ay kilala ko dahil prof. ko na siya dati na benggang-benggang workshop at swimming ang nangyari.
Hay! May nagbabantay sa akin sa ms1. Kaya dapat, hindi ako kumilos nang mga kaek-ekan. Mahirap na, mabilis akong maire-report. Kung bakit ba naman kasi naging classmate ko pa yun. Hindi ko nga kinausap kasi hindi ako sure kung siya yung spy. Ahaha. At na-confirm ko na siya nga. Tinatamad kasi akong makipag-getting to know. Dun nga sa lingg 110, wala rin akong balak makipag-getting to know, for a change. Tapos may lumapit sa akin at nakipagkilala. Wooh! Classmate.
Wait! kailangan kong ipaalala sa sarili ko na ang priority ko ngayong sem eh acads. Acads! Kaya medyo keber ako sa mga gg na kahapon lang eh mga nagpapakita sa akin. Uwkie! Priority acads. Kaya hindi na muna ako magdedetalye sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga gg na part ng mga kaetchusan. Basta. Kalat sila sa paligid at nagkakatagpo-tagpo lang kami. Tigilan na ang ganitong mga bagay. Eto ang tinatawag na process of moving on. Mabuti pa, tapusin ko na lang ang mina-marathon kong dvd.
sa saglit na oras at espasyo (efflux!)
Nasa fx ako nung mga panahong ito. Papuntang cubao. Wala lang, maggagala. Tsaka ihahatid namin yung pinsan ko sa terminal ng bus papuntang bikol. Nakakatuwa lang na kung anu-ano ang pwedeng maisip kapag nasa byahe na walang istorbo o ingay. Aircon pa at hindi umuulan with background music na yung isa eh sobrang ninanamnam ko ang lyrics kasi nga bago sa panrinig ko yung song na yun. Kung ikikiritik ko yung song na yun na hindi ko na babanggitin kung ano, ang masasabi ko lang, parang hindi makatotohanan ang mga ibinigay na facts/ experiences. Pero kung metaphor pala or hyperbole yung mga yun, baka may lusot pa. Bukod dun, ilan sa mga naisip ko:
1. Sayang din ang regular load ko na ipinanreply sa isang friend. Sa totoo lang, hangga’t maaari, ayaw na ayaw kong mag-reply sa mga taong nagte-text dahil naka-register sa sulitxt o unli na ang dating eh kailangan mong mag-reply kahit na hindi naman talaga importante yung texts. Pero dahil naiinip ako eh nakapagload tuloy ako. Pero siyempre, para lang makapag-reply. Na hindi man lang ako nag-register sa sulitxt o unli. Basta, regular load yun. At napagtanto ko na sana pala nag-register na lang ako sa ganung kaek-ekan dahil almost 70 texts ang nagawa ko.
2. Matapos ang konbersasyon sa isang friend, napagtanto ko na oo nga noh. Kung may ideal man man ako at standards na maituturing, ang best example ay si rob. Kung sino toh, ah basta. Almost 3 sems at 2 summers na rin ang lumipas. Dapat deleted na toh eh. But no! Sa tuwing may kaguluhan sa campus, bigla-biglang nasulpot. Like nung may follies, lantern parade, etc. at yung recent eh nitong enrollment na bigla na lang akong nagulat dahil nandun siya noh. Malamang! Pero kasi, hello! Hindi naman siya taga-dept namin pero pabalik-balik siya dun. Graduating or freshie lang kasi that time. Graduating siya? O freshie yung kasama niya? Na isang palaisipan kung kaano-ano niya yung kasama niya. Uwkie lang. Pero bigla lang talagang nag-poof sa isip ko na siya talaga yung matatawag na ideal man o pasok na pasok sa standards ko. Naks! Magmula sa pisikal na aspekto, panloob na katangian, at mga bagay na nakapaloob sa kanya like yung course niya na gustong-gusto kong maging course talaga. Binalak ko pang mag-masteral sa course na yun kaso mukhang malabo kasi ang layo ng course ko sa course na yun. Hay naku! Basta. Whatever na nga lang. Sabi nga nung friend ko, kaunti na lang ang katulad niya. Sabi ko naman, yun nga eh, kaunti na lang, natagpuan ko pa. Eewww! Hindi na kasi dapat kami pinagtatagpo ng tadhana. Ayoko na!
3. Kapag nalalapit na pala ang pagtatapos mo sa kolehiyo, parang iisipin mo na rin ang future. Uwkie fine! Matagal ko naman nang iniisip ang future ko pero hanggang pangarap o ideya pa lang yun. Pero ngayon, tila isa na itong misyon. Yung tipong kailangan mo na talagang mag-isip nang paraan para na rin sa kapakanan mo. Hindi yung aasa ka na lang sa parents mo. This time, kailangan mong mag-grow as an individual. Sabi nga nila, grow up not grow old. May priority na pala ako: acads. Ahaha. Para namang hindi naniwala yung friend ko sa sinabi kong toh. Eh kasi naman, sumegway ang mga kaetchusan like nung nasa number 2.
4. Magkakaroon na pala kami ng kasambahay. Dahil feeling ng parents ko na kailangan na talaga naming magkaroon nito dahil na rin sa biznez na basta. Kailangan na talaga. Matatambak din kasi ang mga household chores dahil nga sa biznez naming almost 3 years na yata. Ewan ko ba naman, ngayon lang nila naisipan. Siguro kasi masyado nang busy sa lahat. In fairness naman, alam kong gawin ang lahat ng household chores. Dapat lang. Inalam ko talaga kung papaano magganito, ganyan. Bakit? Eh kasi naman noh, nung elem at hs days, parang ang tingin ng classmates ko sa akin eh walang alam sa mga gawaing bahay. Hindi naman sila nagkakamali dun. Tama! Ahaha. Kaya kapag may activity na paano magganito, ganyan, hala! No comment. Pero ngayon, name it, I can do it. Naks! Balik sa kasambahay, bata pa talaga ako nung magkaroon kami nito na benggang-benggang inaasar ko lang talaga. Bata pa kasi ako nun. Ahaha. Ginawang excuse ang pagiging bata? (Update: dumating siya nitong sabado. At buong akala daw niya na ako ang BUNSO sa aming magkakapatid. Ako kaya ang panganay. Napaka-deceiving talaga ng looks ko. Bwahaha).
5. Love: sabi kasi nila kumplikado toh eh. No comment ulit. Sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi na ako eetchoz sa lovelife ng friends ko. Kung ayaw nilang magbigay ng detalye, uwkie fine. Pero kung mag-oopen up sila, go! At dahil pakialam ko dyan, thesis na lang ang iisipin ko. Thesis: wala pang pokus pero may tentative topic na. Tulad nga nung palagi kong sinasabi, confidential pa ang tentative topic ko na ito.
6. Cartoons. Sabi ko nung bata ako (kahit bata pa ako ngayon) na paglaki ko, cartoons pa rin talaga ang panonoorin ko. Nagtataka kasi ako kung bakit panay news ang pinapanood ng mga hindi ko ka-age. Eh ako, gusto ko cartoons. Kaya naman pala, may lifespan ang mga bagay-bagay. Panay news nga pinapanood ko ngayon eh. Mahirap na yung hindi updated. OP ang labas. Pero love ko pa rin ang cartoons, pili nga lang yung mga pinapanood ko. Grabeh lang. Kapag nanonood ako ng cartoons, umiiral ang kababawan ko. Oo na. Mababaw lang talaga kaligayahan ko.
7. Napag-isip-isip ko na ako pala ang gumawa ng mga email ad ng mga insan, tito, at ninong/ ninang ko. Isama na ang email ad ng mga kapatid at nanay ko. Amazing!Ahaha. Ako rin ang nag-sign up sa kanila (insans and kafatad) sa fs at facebook. At naalala ko na marami pala akong email ad na hindi ko na matandaan kung anu-ano pati passwords. At pati email ad nung mga ginawan ko ay hindi ko maalala – either hindi ko maalala yung email ad nila o yung password. Or both. At kapag may kinalaman sa techie thing, ako ang takbuhan nila. Nice. Naalala ko lang na nakakapag-hack pala ako ng mga downloadable things na may bayad sana pero makukuha mo ito ng libre kasi nga hack eh. Dati yun. Ngayon, hindi na. In the first place, hindi naman ako hacker. Hak hak hak.
8: Disadvantage ng maraming skills at talents: Marami humihingi sa’yo ng favor at madalas na ikaw ang uutusan nila na gumawa ng mga ganito, ganyan. Waah! Nakakainis kaya minsan. Pero in fairness naman, may benefits ako na natatanggap from them.
9. Habang nakikinig sa sinasabi ng dj sa radio dito nga sa sinasakyang fx tungkol sa problema ng mga mayayaman tulad nang ano ang susuotin nila? Anong car ang dadalhin nila kung yung kulay yellow ba o blue tapos the next day kung ano namang car? Kung saan sila uuwi, kung sa mansion ba nila sa manila o cebu o baka naman sa ibang bansa? Yung mga ganung problema. Tapos naisip ko, one time, try ko ngang mamoblema ng mga ganyang bagay. Lufet! Walang kakwenta-kwentang mga problema!
10. Kahit pilitin ko mang isipin na piksyon ang A(H1N1) virus na yan, hindi ko magawa. Kasi totoo talaga toh at seryosong bagay na nakakatakot. Kung pwede lang install-an ng anti-virus ang bansa, ginawa ko na. Eh hindi kasi ganun yun. Umuurong ang pasukan ng maraming paaralan. At dumarami ang bilang nang nagkakaroon nito. Na sasabihin nila na huwag matakot kasi wala pa sa hundreds ang bilang ng may ganito sa bansa kumpara sa ibang mga bansa na thousands ang bilang. Grrr! At nabo-bore na ako kasi ang tagal ng pasukan. Parang feeling ko, bum na bum ako.
Nasa cubao na ako. Ang lugar na minsan na akong naligaw. Gabing-gabi na yun ah. Paano ba naman, nanood pa ako sa araneta nung cheerdance tapos kumain sa isang resto na hindi naman maintindihan yung inorder ko. Malay ko bang pinagandang anyo lang yun ng sibuyas. Na sibuyas lang talaga yun na nabalutan lang nung parang breadings ek-ek. Badtrip. Tapos ginabi na ako sa paghahanap ng terminal ng fx pauwi sa amin. Nilibot ko ang buong cubao na kung saan-saang mall na ako pumasok para lang sa terminal na yun. Na may sumusunod pa sa akin na guy na feeling ko may masamang tangka sa akin kaya humanap ako ng paraan para mailigaw iyon. Para nga akong naglalakad sa kawalan. Napadpad ako sa lugar na walang katao-tao bukod sa akin. At kaunti lang ang dumaraan na sasakyan, wala pa nga yata. Buti talaga! Buti walang nangyaring masama sa akin. Sa sobrang kinakailangan ko na talagang makauwi, naghanap ako ng guards na hindi naman alam ang sagot sa tanong ko. Kaya hinanap ko talaga ang terminal, all by myself!
Magkagayunman, (naks! Sa mga paper ko lang ginagamit ang ganyang term) matapos maggala, kumain, at ihatid sa terminal ang pinsan ko, umuwi na kami. Dahil rush hour, sa dyip kami sumakay pauwi. Cutting trip. Na bigla lang may batang pulubi na sumakay tapos nilagay yung sobre sa lap ko. Eh si ++++ pala toh! Ehehe. Kamukha lang pala. Hay! Pumasok tuloy sa isip ko na yun nga bata pa lang nag-iisip na kung paano kikita, tapos yung iba wala lang. For that:
11. Huwag mong ikukumpara ang sarili mo sa iba. Pero kung magkukumpara ka rin lang naman, dun na sa kalebel mo ng antas. Hindi yung tipong statement na maiisip mo lang na mapalad ka pa rin hindi tulad nang iba na walang ganito, ganyan. Malamang! Kasi kinukumpara mo ang sarili mo sa mas alam mong nakabababa sa’yo. Sorry sa term. Ehehe. Tunggalian ng uri!
Ang sakit sa utak! Ideologies. Naisip ko lang, darating kaya ang panahon na igi-give up ko ang pride ko para lang sa isang materyal na bagay? Hangga’t maaari, ayoko. Pero hindi mo rin kasi masasabi ang maaaring dumating sa’yo.
please pass: UPD start of classes moved to june 16
Siguro naman kumalat na ang balita na ang simula ng klase ay sa june 16 na sa halip na sa june 9. At naniniwala ako na basta mga ganitong balita na may kinalaman sa pagkakaroon ng walang pasok eh mabilis na kakalat/ kumalat. Parang awkward yata yung sinabi ko – pagkakaroon ng walang pasok? But anyway, nung sabado ay nakatanggap ako ng texts, emails, at pms regarding nga dyan sa pagmu-move nung pasukan. At dahil mukhang forwarded texts/ emails naman ang lahat na magkakaiba lang ang construction ng sentences eh eto:
“UPD start of classes moved to june 16 in view of extension of registration, and the DOH advisory on A(H1N1). Adjustment in acad calendar to follow. – Chancellor Cao and Student Regent. Please pass.”
Yung isang version na same pa rin naman, “from Chancellor Cao: UPD start of classes moved to june 16 in view of extension of registration, and the DOH advisory on AH1N1. Adjustment in acad calendar to follow. Please pass!”
“Kalasag update: classes will start on june 16 in UP Diliman as confirmed by Sir Ken, the USC and the OUR. This is due to the AH1N1 scare and the extension of the enrollment period. Please visit (and add) kalasag multiply at http://upkalasag.multiply.com for other updates. Kalasag, the official student publication of the UP college of arts and letters.”
Sa tv naman nakita ko kahapon: “June 16: UP Diliman,..”
Oh ayan! May monday class ako, so ibig sabihin ang first meeting namin ay sa june 22? Tama ba? Kasi sa june 16 ang start di ba? Hindi naman sinabing june 15? Iniisip ko lang na kasi wala naman talaga supposedly na klase kapag monday kaya sa 16 ang start. Hay ewan. Ayoko namang pumasok sa june 15 kasi nga sa 16 nga ang start ng klase. Tsaka kamustah naman, 5:30-8 kasi yun. No choice na kasi eh. At ang sinisisi ko dyan ay ang CRS team. Ahaha. Hindi pa rin nakaka-get over? Kung hindi nila inalis ang slots na nakuha ko na TTh eh di sana wala akong one and only monday class. No choice talaga. At ina-assume ko na ang classmates ko sa class na yun ay puro nag-prerogs. Kung hindi ako nagkakamali, isa ako sa kauna-unahang nag-prerog sa class na yun na sa mga oras na yun eh kabubukas pa lang.
Sana, pagpasok ko sa june 16, walang maggugulantang sa akin na mga na-disolved na klase. Naku lang ah. Wala na akong pwedeng ipalit na mga class bilang nasaid ko na ang mga subjects sa curriculum namin. Ay hindi pa pala. Kasi may isa pa na natitira oara sa 2nd sem. One and only class for 2nd sem. Yun ay kung at kung walang manggugulantang sa june 16.
Nae-excite na akong pumasok!
inhale-exhale, stammer
Nah, nah, nah. Since I just took a deep breath from the envy thing that I felt, I said to myself not to say anything with the influence of burst feelings. Yes, a bit of envy thing. Not to be taken seriously. It’s because of the newly bought cellphone.
My father decided to buy a new cellphone aside from the fact that he has two. I won’t tell why he needs to buy a new one. When I heard it, I just said na magpapalit kami. My phone to him and the phone that he will going to buy would be mine. Ehehe. A serious joke. And then my sister came into scene. She said that sa kanya daw yung cellphone. Dedma.
Yesterday morning, they went shopping. Actually, my sister goes with my father just because she believes in the concept that that cellphone will be her phone and so she needs to pick up the best out of everything. But the truth is that, it’s for my father. And the only thing that I think so that I can have a new phone is to exchange my phone with him. Coz my phone is not a touchpad anymore. In short, hindi pa man nakakabili, kinakanya na namin.
When they got home, I saw the new cellphone. Hmmm. Not a touchpad. That unit is one of the phone I didn’t chose when I was on the day I need to change my unit because as usual, I destroyed it. One of the reasons why I didn’t choose that unit (I won’t mention the unit) is because that’s the unit of some of my friends phone. Ang ayoko pa naman sa lahat eh yung may nakakapareho ako. Ahaha. But I can’t set aside the fact the feeling of dealing with the envy thing. That would be mine if and only if she doesn’t pursue herself that that cellphone will be her. Pero kay padir talaga dapat yun. Gustoko lang rin kasi na magkaroon muli ng new phone. Techie! Not for bragging. May eeksperimentuhin kasi ako mula sa cellphone na yun.
Uwkie! Napunta kay kafatad ang new cellphone. When she clicked the phone, OMG! Nagpapainggit. She plays the mp3 songs installed on that phone in the loudest volume possible. And when I saw a bit of its content, I just realized that almost the same as my phone. In a few minutes, oh no! It has the radio-fm mode. And my phone doesn’t have it. That’s why I need to get my other phone in able to tune into some fm stations. Uwkie fine! I have 3 phones that are still in good conditions. But I only use one. I gave the two to my parents but I use it whenever I need to.
Just like what I’ve said, I took a deep breath and just realized that I don’t need to envy things. It’s just a material anyway. I looked upon the days that I used to change phones every time some of it malfunctioned because of my fault. My third phone can’t unlock because I put a security password until it came to the point that the right password will became an invalid one. Weird! That’s why I bought a new one that in just a few months, the lcd happened to be a blank one then shuffled or the contents are in an upside-down mode so I changed and bought a new one again that I am using now. But recently, it fell that I think the cause why it’s not a touchpad anymore. Buti na lang hindi ko ni-locked kasi may pipindution ka from the keypad then iki-click yung screen. Eh kung naka-locked, hindi ko maa-unlock kasi nga hindi na nagpa-function ang pagiging touchpad nito.
Maybe it’s time naman for my sister to have her new phone. Hindi na lang puro ako. Nakailang phones na ako, pero siya, pangalawa pa lang yata niya. Ayaw ngang ipahawak sa akin kasi baka daw masira. Sabi ko naman, “ayaw mo nun, mapapalitan mo kaagad habang may warranty pa?” Smirk!
oh well, rainy days
Way back when I was a kid, me and my friends loves to play and have fun during rainy days. We usually plays patintero, agawan base, hide and seek, and the neverending habulan in the streets. Only few cars or vehicles go along the streets when it’s rainy days. That was when I was a kid huh. Maybe because streets are slippery and it’s not that exciting to go out and have your clothes pour out by the rain. Dyahe naman kung maggagala ka na parang basang sisiw. Pero siyempre, gusto lang talaga naming maligo sa ulan na pagkatapos eh maliligo pa ulit sa bahay. Baka daw kasi magkasakit kami kung hindi namin babanlawan ang sarili namin. OA! And when lightning and thunderbolts started to appear, fun time ends. Siyempre hindi ko na toh ginagawa. Para kasing pang-erotic ang eksena kung maliligo ka sa ulan eh hindi ka na bata. Bwahaha.
Suspensions of classes are the most exciting part. You’ll wake up early in the morning and tune in to am stations just to hear if your province/ place are part of the pag-asa’s announcement. Then you’ll text up your friends to update them to what you heard. Funny how the “breaking news” travelled from one person to another if and only if it’s about suspension of classes. Very true! And to confirm it, you’ll watch on the television and even call up almost everybody just to makes sure that what you’ve heard is right. Well, that’s what I usually do. Kinda confusing naman kasi sa amin dito sa rizal na kapag sinabi sa news na walang pasok sa metro manila/ ncr eh hindi namin alam kung kasama kami. Well, techinically region 4 ang rizal. Pero kasi katabi lang namin ang marikina na city na ngayon. Isang bridge lang ang pagitan. Alangan namang bumabagyo sa ncr tapos summer sa amin. Hindi ganun. Buti na lang nasa quezon city ang UP kaya madalas na kapag may suspension of classes lalo na sa college level, hagip ito kapag sinabing metro manila/ ncr.
I hate rainy days although it makes my sleep so relaxing. It makes me feel good when I watch on television programs without turning it off coz I don’t need to worry that maybe in a few minutes it will boom! Overheat. But hey! These exag rainy days that will eventually become a storm/ typhoon makes me feel so scared. Imagine, these past few days, I have a bit of problem with my sleeps. I think it’s not insomnia anymore. It’s just that I can’t sleep. Maybe because I’m awake in someone else dreams? Yun oh! Anyway, back to the exag rain drops, it’s so annoying. Super. It distracts my sleep. Like angry something that wants to cracks everything. Parang gustong butasin yung bubong. Raining cats and dogs talaga!
If I am to choose which of which. Which do I prefer to have - rainy days or summer days? None. Coz I prefer winter even though I don’t know the real feeling of molding a snow. So far. Maybe in the next few years. Kasi wala namang snow dito sa bansa noh. Sa pagkakaalam ko, imbes na snow, mga pitak ng yelo ang nalaglag buhat sa langit dati. Seryoso! Totoo toh. Nangyari talaga ang pangyayaring yun. Buti na lang hindi yung as in buong-buong yelo, kundi baka nagkabukol pa ako.
iba talaga ang enrollment kapag priority (destiny)
Tuesday June 02nd 2009, 10:56 pm
Filed under:
semester
Mga napagtanto ko kahapon – enrollment (graduating and freshie):
-ang lakas ko talaga kay God.
-last minute, bibiglain ka ng CRS sa pag-cancel nila ng mga nakuha mong slots.
-pwede naman palang hindi magload nang bongga
dahil ang mga ite-text mo eh kasama mo rin sa araw na yun.
-hindi naman pala haggarad mag-prerog at mag-cancel ng slots kahit PI 100 pa yan!
-maaari kang ipitin ng department niyo sa di pag-ooffer ng subjects
kahit na graduating ka pa sa sem na toh.
-kahit na long time ago pa yun, pagkukrusin pa rin ang landas niyo anumang mangyari.
-you cannot please everybody
-expect the unexpected
-walang plantsadong plano dahil malamang sa malamang, lilihis at lilihis ang mga inisip mo.
-malaki ang naitutulong kapag close ka sa profs and staffs –may benefits. Promise!.
-tatamarin kang mag-prerog ng MST lalo na kung may nakuha ka naman na
at gusto mo lang talaga itong palitan ng iba pang MSTs.
-hindi daw idi-dissolved ang class kapag may graduating kahit 3 lang kayo. Talaga?
Eto ang medyo kabuuan na nangyari nung enrollment (part ko lang). 1st sem. June 2, 09. Last sem na makakasama ko ang halos lahat ng blockmates ko (sa unang course) kasi ga-graduate na talaga sila at ako - nagpaiwan. At ang sem na kumpleto pa ang units ko.
Status ko sa CRS: graduating for 1st sem. At isa itong malaking error. Pero malaking tulong ang naging status ko dahil nagamit ko rin ang benefits ng pagiging isang priority. Dahil next sem, di ko na kailangan pa ng benefits dahil isa na lang naman ang subject ko sa sem na yun: thesis. Na hindi ko naman kinakailangan pang i-prerog o i-petisyon. Ano nga bang nangyari sa araw ng enrollment namin? Ko lang pala. Kasi yung friends and other ka-majors ko, may kinaharap na problema at hindi naman sila lahat graduating so nauna akong mag-enroll sa kanila.
CRS new batch run results: hindi ko alam kung matutuwa ako o super maiinis sa pakulong ito ng CRS team. Biruin mo, the night before yung mismong enrollment “naming” mga graduating (kasabay ang freshies) eh may announcement silang ibinalahandra na nagkaroon daw ng new batch run results. Ibig sabihin, kung nung una eh valid daw ang 1st run, at invalid ang 2nd run, aba! Biglang sumulpot ang new batch run at tinanggal nila ang mga nai-enlist at nakuha kong subjects nung 1st run. At least sila na ang bag-decide ng MST ko.
Nung 1st run, 4 na MST at PI under sa target kong prof. ang mga nakuha ko. Nahihirapan pa ako nun na mag-isip kung alin sa apat na MST ang kukunin ko – ms1, geol1, natsci1, at math2. So the night before yung enrollment eh nakaplano na na math2 na lang ang kukunin ko at ika-cancel ko ang 3 MST. Fast forward: kinabukasan nalaman ko na dahil sa new batch run nila eh yung mga ipi-prerog ko sanang mga subjects ay biglang nakuha ko sa batch run na pauso ng CRS team. Nag-enlist kasi ako nung 2nd run at 2 days after nun, biglang nag-announce sa CRS na invalid daw yung results nun kahit na hindi ko pa nakikita talaga yung resulta. At dahil dun, kampante na akong may PI at MSTs na ako. Tapos biglang malalaman ko na ms1 na lang yung nakuha ko at nawala na yung PI. At nakuha ko ang elektib, major sa ibang dept., at dalawang major subjects ko na inenlist ko nung 2nd run. Tama bang sila ang mag-cancel ng slots ko?.
Pila sa 201. Cal 201 nga ba? Yung room na katabi ng pambabaeng cr. Past 8am nandun na kami ng friends ko. Hindi naman gaanong mahaba yung pila. Parang mula 201 hanggang sa room na katapat ng guyz cr. Habang umuusad ang pila na pagkabagal-bagal, naghihimutok ang galit ko sa CRS kasi ang PI under ng target kong prof. eh inalis nga nila! So kailangan kong mag-prerog. Na malamang sa malamang, puno na ang class na yun. At puno na nga. Yung math2 na pinili ko na MST eh tinanggal nga ng CRS team di ba? Kaya naghihimutok talaga ako sa galit kasi nasa isip ko na ang scientific calculator eh. Tapos biglang ms1 ang natira. Idagdag pa ang pamomoblema ko sa mga maaaring ma-dissolved kong subjects. Pero siyempre, mas malala ang problema ng friends ko kasi ni hindi man lang inoffer sa CRS yung pinetisyon nilang subjects di tulad ko na umpisa pa lang ng summer eh pinetisyon at kinausap ko na ang mga profs ukol dun. Na-predict ko na kasi before pa na hindi nila io-offer ang 103 kaya kinausap ko na ang profs habang maaga pa.
Prerog sa cal 308. Sobrang nagmamadali pa akong makaakyat sa room na toh kasi nga ine-expect ko na mahaba ang pila. Na ang madalas na pinipilahan ay ang PI 100. At pagkarating ko, wala pa masyadong tao. Akala ko nagse-set up pa lang sila. Sumilip ako. At dahil feeling ko walang magagawa ang pagsilip ko, binuksan ko ang pinto at tinawag si kuya rolly. Lakas! With name pa talaga ang pagtawag ko sa kanya. Siya yung nag-eenlist nung mga nagpi-prerog ng mga subjects under ng dept namin. Uwkie! No choice. Isa lang ang available na PI 100. At monday pa. Kinuha ko na kaysa naman wala. Pero sayang talaga yung Pi na nakuha ko sa CRS. Yun ang bet kong prof at target ko na noon pa man na siya dapat ang magiging prof. ko sa PI 100. Na hindi naman nga nangyari dahil sa CRS team na yan. Tinanong ko rink ay kuya rolly kung hindi ba talaga madi-dissolved yung subject na pinestisyon ko? Hindi daw kahit kaunti pa lang kami basta may graduating. Wooh! At ako yun (feeling lang). Dahil hindi nga pala yun ang time para makipagkwentuhan kay kuya kasi may mga nakapila pala sa likuran ko para mag-prerog, eh di tinapos ko na ang pakikipag-usap.
Pagkakita sa long time bet. Ano ba naman yan?! Kaya hind ako makapag-moved on niyan eh. palagi na lang siyang nasulpot. Destined for each other siguro kami. Taga-dept yata yung kapatid niya. Freshie. Sabi nung friend ko freshie pa lang yung gurl at baka kapatid niya. Malamang sa malamang kapatid niya nga yun. Sa pagkakaalam ko kasi, mas matanda sa akin si rob. Hindi kami magka-batch tapos nag-shift siya sa 5-year course so ang computation ko, sabay kaming ga-graduate next year. Kung on time siya sa course niya ngayon. Ewan ko ba naman sa lalakeng toh, kapag tinitigilan ko na ang kaek-ekan sa buhay eh nagpapakita. Like nung summer na nasa iisang building lang kami. Tapos ngayon, yung kapatid niya eh major ng dept. Imposibleng gurlash niya yun, ano yun pumatol siya sa freshie? Kalian niya nakilala yun? Imposible. Pero why not? Pero imposible talaga. Pabalik-balik kasi sila sa dept. habang ako eh ganundin tapos tatambay. Anyway nasaan naman kaya yung gurlash na kasa-kasama niya nung fireworks display na ewan ko ba naman talaga at nakita-kita ko pa siya nung gabing yun. Naku, kung kapatid niya nga yun, ang bait naman na kuya. I love it. Him pala. Ahaha. innggit ako sa course niya ngayon eh, kasi pangarap ko yun. Tapos yung course nung kapatid niya, yung freshie eh tinahak ko na yun dati pa. Ibig sabihin magkikita’t magkikita kami kung sakali kasi major ng dept ang kapatid niya? Dapat maging ka-close ko yung kapatid niya na yun. Ahaha. Moved on!
Sa loob ng ibang departamento: OMG! Akalain mong pati ibang dept eh ininvade ko na rin? Grabeh naman. nagtanong lang naman ako. Naniniguro lang na hindi nila idi-dissolved yung inenlist ko na 110. Bago nga ako magtanong eh may phone call sa isang staff at nagpapa-reserve ng 110 under dun sa prof. na nakuha ko. Tapos sabi nga nung staff dun, hindi daw madi-dissolved yun. Huwag daw akong mag-alala kasi marami pa daw ang hindi pa nag-eenlist. Ang kulet lang. Hindi ako nakuntento sa sinabi niyang huwag mag-alala kaya tinanong ko kung sure ba talaga na hindi yun madi-dissolved? Sure daw. Uwkie! Sana nga.
Tambay sa loob ng dept. Sabi ng friends ko kausapin ko daw si (prof) na isa sa adviser nila kasi close daw ako dun. Kinausap ko nga. Feeling close talaga oh? Take note: humingi pa ako ng favor sa prof. na yun. Grabeh! So kapal talaga ng mukha ko. Tapos kinausap ko pa yung ibang staffs sa dept namin. Tinanong ko kung nasaan nakalagay yung folder ko at folder ng friends ko. Siyempre di mawawala ang pag-chika sa friends especially sa mga nakitang ka—majors ko. At pagkamusta sa majors ng dept. Idagdag pa ang kalokohan na kung sinu-sino na lang pangalan ang pinaglalalagay sa petisyon ng friends kasi kailangan maka-sampu sila. Yung petisyon ko nga wala pa kaming sampu. Ang kaibahan lang, wala pa kasi sa CRS yung pinipetiston nila. Yung sa akin, nasa CRS na.
Sa labas ng dept. Chika minute. Then naisipan ko na magpa-advise na habang problemado pa rin yung friends ko sa subjects na kailangan pa talagang pag-meeting-an para i-offer. Kaya naisipan ko na tumungo na nga sa isa sa mga adviser ko kasi pinag-iisipan ko kung 18 o 15 units nga ako.
Sa loob ng room ng adviser namin. Siyempre nakalimutan kong dalhin yung folder ko kaya bumalik ako sa dept namin. At natagalan nga akong makabalik sa room nung adviser namin kasi naka-chika ko yung ka-majors ko na nasa loob ng dept. At nung makabalik nga ako, saktong katatapos lang advise-an yung dalawang ka-majors ko na kanina pa nakapila nung una akong pumasok sa room. Ang advise: mag-18 units daw ako. Inexplain ko kasi na baka kung 15 units ako at ma-dissolved yung 103 eh mau-under load ako. Tapos yung 110 naman baka ma-dissolved din pero hindi pwede kasi kung sakali mang ma-dissolved yung 103, kailangan na-take ko na yung 110 kasi prereq nun ang lahat ng subject under ng dept na yun. At kung sakali mang ma-dissolved nga yung 103 eh pwedeng ipang-substitute yung kung anumang subjects sa other dept na yun basta makuha ko yung 110 nila. At natutuwa naman ako na kung i-dissolved daw nila yung 110 ko eh susugurin at ipaglalaban ako nung adviser ko para makapasok ako sa ibang 110 na para lang sa mga majors nila. Siyempre exag lang ang pagkakasabi ko nung susugurin at ipaglalaban pero parang ganun. At mag-decide na daw ako kung alin sa dalawang nag-enlist ko na elektib ang kukunin ko. Isa na lang kasi ang elektib na kailngan ko.
Sa casaa: lunch time na kasi.
Pagdalaw sa elektib prof. Kapal lang talaga ng mukha oh. Sa eduk ito. Habang hinihintay na mag-1:30 para magpa-cancel eh pinuntahan ko ang room ng prof. ko. 1pm naman na kaya tapos na naman na siguro silang mag-lunch. Doorbell. Tamang-tama! Yung prof. ko yung nagbukas ng pinto. Sabi niya kung ano daw ang maitutulong ng dept. nila sa akin. In fairness, kilala pa ako ni prof. Alam pa rin niya name ko. At nagmistulan siyang adviser ko. Kamustah naman, tinanong ko siya kung alin sa dalawang subjects ko sa kanya ang ika-cancel ko – 115 o yung 110? Sabi niya makakatulong daw yung 115 sa akin kasi mga programs sa schools yun. Yung 110 naman, specific na mga diseases. Pero sa totoo lang, gusto ko lang namang malaman kung alin sa dalawang subjects posibleng maging kaklase kong muli si jl. Sabi niya sa 110 ang maaari kong maging classmates eh yung mga naging classmate ko daw sa 120, sina… at poof! Kasama ang name ni jl. Siyempre hindi ako masyadong nag-react nung marinig ko ang name ni jl bilang nagmo-moved on (na naman!) na ako. Pero yun yung ipinunta? Iki-clear ko lang, iba si rob at iba din si jl. Sa 115, required daw yun sa mga majors kaya nakuha na ito nung mga majors nila – ang tinutukoy eh yung mga naging classmates ko. In short, wala dun si jl. Nagulat nga siya nang makitang graduating na ang status ko. Sabi ko, hindi pa. Kasi wala pa akong thesis. At mag-isip na daw ako ng thesis.
MITC. Tama ba? Dito ko kinansel ang subject ko sa eduk. Pero hindi eduk yung mismong subject ko. Pwede naman palang mag-cancel kahit hindi sa kanila. Kahapon lang yun pwede na sa kahit anong may net conn ka pwedeng mag-cancel.Eh naisip ko, alangan namang magnet pa ako sa comp. shop para lang mag-cancel, kung pwede namang sila. Tinanong ko kung ilan kami sa 110 at 115 kasi isa dun yung ika-cancel ko. Tinignan nung RA yung slots. Sayang! Hindi ko man lang nakita yung mga nmes nang nag-enlist. Keri lang. 11 kami sa 110 at 27 sa 115. Kinansel ko yung 115 kasi ayoko ng malaking class. Di ako mapapansin ng prof. dun tsaka baka puro group works eh ayaw ko nun. On the spot pa naman ang group works. Mas ok na sa konti kami para masaya.
Fast forward ulit: balik sa dept. kinausap yung adviser. Nag-fill-up ng form5. Nagpa-advise muli. Pinapirmahan ang form5. Chumika ng friends. bumalik muli sa cal lib. Nung pumunta kasi ako dito, down daw ang net. Kaya binalikan ko. Nagpa-assess sa cal2. Tumambay muli sa labas ng dept at nakipagkwentuhan muli sa aming new kapamilya/ kapuso na si kuya f. Time check: 5pm. Umuwi na.
At ang nangyari: 18 units ako ngayon. 3 units sa 2nd sem. Temporary pa lang toh dahil hindi ko pa alam ang mangyayari kung magche-change mat ba ako o may madi-dissolved ba? Ewan. Next week ko pa malalaman sa pasukan.
Take note: hindi pa pala ako nagbayad ng tuition sa araw na yun kasi iba ang nagbabayad nito for me. I mean, yung pumipila (kung pumipila man) para magbayad. Hindi kasi mahaba ang pasensya ko sa mahahabang pila. Pero never ko pa yatang ipinakiusap sa friends ko na sila ang pumila para magbayad nung tuition ko. Basta. Minsan koneksyon. Minsan yung driver sa opisina nina madr, o si madir, o kafatad, ang nagbabayad pero may koneksyon pa ring involved. Dalawang beses pa lang yata akong pumila na ako mismo ang nagbayad ng tuition ko. Ehehe. Kapag kinakailangan lang yun.