badminton mode: me versus the losers
Sunday March 08th 2009, 10:37 pm
Filed under: feel free to write

The losers talaga yung tem? Whehe. Eh paano ba naman, losers naman talaga sila. Basta nagpunta kami sa paraiso at nag-badminton lang talaga ng bonggang-bongga. Habang yung tito ko naman eh nag-aaral mag-drive. Next time ako naman yung mag-aaral mag-drive. Wala kasi akong panahon dyan. Basta nag-badminton lang kami. Nakakapagod ah. Nakakapagod kapag ang kalaban mo eh losers. Whaha. Yebeng! May jogging at stretching pa akong ginagawa habang hinihintay ang mga tira nila. Oh c’mon!

Sinu-sino ba tong mga nakalaban ko? Hindi naman sila mga bigatin. Yung isa eh player daw siya ng badminton sa school nila noh. Nakakailang rounds daw sila. Kamustah naman yun. Aba! Hindi niya alam na ang kinakalaban niya eh naging player din dati ng badminton. Ipinanlaban na nga ako noon sa ibang school kaso nung ako na yung lalaban, kinabukasan na lang daw. Whaha. At hindi na ako nakalaban dahil sa isang pangyayaring gawa ng bestfriend ko nun. Sinabutahe siguro ako nung bestfriend ko? Ang salbahe? Nagbintang? Whehe. Past na yun. Pero sobrang panira ang pangyayaring yun. Demit!

Anywayz, ayun nga. Sobrang balingo naman ang mga tira. Tapos hindi naman mahabol ang shuttle cock. Kamustah naman yun? Parang takot sa bola. Hay grabeh! Naging tagapulot siya ng bola noh. Whehe. At dahil sobrang hina ng mga tira niya, at puro supalpal naman, eh di ako na yung pinagpupulot niya. Paano ba naman, napagod na siya kapupulot sa mga tira ko. Ayeah! Hala! Puro kayabangan na toh.

Next! Akalain mo yun, si player daw eh nag-double sila ni bigating guy. Keri naman. Uwkie naman ang laban. In fairness, dahil double sila at ako lang ang kalaban nila, ayun, hindi pa rin naman nila ako natalo. Naging masaya ang laban kasi nasasalo at nahahabol ni bigatin ang shuttle cock so may point na nagtuloy-tuloy ang hampasan ng shuttle cock. Waah! Lagasan ito ng feathers!

Next! Marami kasi silang nakalaban ko. Them versus me. Ayun nga. Bigatin din ito. Konek siya kay bigating guy. Aba! Dinadahilan ang malabong mata kapag hindi natitira ang shuttle cock. Pero in fairness, natitira ang shuttle cock paminsan-minsan. At nagawa pa niyang makipag-double kay player daw. Bwahaha. Talo ko naman sila.

Next ulit! Another guy. Wula lang. Keri naman. Nakipag-double siya kay bigating guy versus me. Ah talagang versus me? Whehe. Kasi hindi nila ako matalo eh. Waah! Grabeh! Ang yebeng ng mga pahayag dito. Wala naman sigurong makababasa nito dahil baka smashin lang nila ako. Yung coach ko sana dati eh nagpipresenta yung friend ko. Eto player talaga toh ng badminton. Kaso you know naman, busy ako nung mga panahong iyon. Whehe. Ang arte?!

So yun na nga ang nangyari. Smashing the losers. Whaha. Ang sama talaga?! Kaya nung matapos ang badminton mode, punta kami somewhere sa parang. Sa bahay ng mga tito ko. Grabeh! Medyo nakaramdam ako ng antok. Bandang tanghali na yun. At nagsing ako ng mga 3pm na yata kasi ginising ako nung kafatad ko kasi aalis na daw kami. Nag-text nga yung friend ko eh. Dinedma ko muna kasi antok pa ako nung mga panahong iyon. At take note, nag-reply ako sa kanya sa panaginip. Tapos nung magising ako, nag-text pa pala ulit si friend. At dahil naabsorb ko na sa panaginip ako nag-reply, eh di nireplyan ko na siya nung gising na ako. Nag-pm pa pala siya sa ym.

Ang status message ko pa naman say m nun eh “feeling like a singer”. Kasi habang nasa sasakyan namin ako eh bonggang-bonggang nagko-concert lang naman ako. Ito namang tito ko noh, dahil naririnig niya ang mp3 songs mula sa cp ko na sinasabayan ko lang talaga, Aba! Biglang sabi na, “i-bluetooth mo sa akin yan.” Whaha. Baka gusto niya i-record ko pa yung voice ko at yun ang i-bluetooth ko sa kanya. Whehe. Hay kapagod yung badminton mode. Nakailang glasses of water ba ako nun? Yun lang yung masaya kapag napapagod ako sa mga laro. Feeling ko napupunan ko ang 8-10 glasses a day. Hala! Mukhang mayabang ang mga pahayag ko dito. Sorry po.

Waah! Ang sakit-sakit ng katawan ko. Epekto siguro toh ng pag-smash ko sa mga losers.





     
No Comments so far



Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

(required)

(required)