bakit ba parati na lang silang umaasa sa akin?
Naiinis na ako ah. Ano ba? Paano, ako na lang ang lagi nilang pinapagawa ng mga assignments nila. Tulad na lang nitong dalawa kong kapatid. Yung sumunod sa akin dahil nga nag-aaral siya sa uplb at siyempre malayo sa amin, ako ang ipinababahala niya sa mga assignment niya na sa tingin niya ay kailangang i-internet. Naiinis na ako. Meron namang internet sa lb ah? Pero parati niyang sinasabi na malayo daw sa dorm nila? E ano ngayon. If there’s a will there’s a way. Palibhasa tinatamad kasi siya. May library naman, bakit kailangan pang mag-internet? Kung tutuusin dahil nagdo-dorm siya sa loob ng campus, madali lang ang access niya sa mga library. Tinatamad rin daw kasi siya. Ano ba naman iyan. Nag-aral pa siya. Tapos itong mga parents ko naman kinukunsinti pa siya. Turuan ko daw mag-internet. E ang dali-dai lang kayang mag-internet. Tapos minsan tulungan ko daw na hanapin sa internet yung assignment nung kapatid ko na yun. Bakit ba kailangang kasama ako kapag mag-iinternet siya ditto sa amin? Then, kapag nasa lb na yung kapatid ko na yun, ite-text ko pa yung na-search ko sa kanya. Pahirap kaya yun. Nag-aaral at pumapasok rin naman ako noh. May ginagawa rin ako sa school.
Another one. Itong bunso kong kapatid. Lagi na lang umaasa talaga sa akin. Kapag may report siya, ako yung pinapagawa nung mga reports niya. Pinapa-solve ng mga assignments niya sa algebra o math. Pinaghahanap rin ako sa internet nung iba pang kailangan sa report niya at sa mga assignments rin niya. Kapag may play sila sa school, ako ang pagagawin nung script. Then palalabasin niya na siya kunwari yung gumawa. Okay lang naman yun kaso marami nga rin nama akong ginagawa. Again, yung mga parents ko sasabihin sa akin na gawin ko daw yung pinapagawa nung kapatid ko na yun dahil magaling daw ako sa mga ganung bagay. E marami nga rin akong ginagawa. Ang problema lang talaga sa akin ay madali akong maawa. Yung hindi ko natitiis na hindi gawin yung pinapagawa sa akin. Kaya ang kinalalabasan, kahit na puyat na puyat na ako sa kababasa nung mga pinapabasa sa amin sa school at paggawa ng mga assignments ko, gigising pa ako ng madaling-araw para gawin yung assignment ng mga kapatid ko. Kasi yung isa kong kapatid, minsan maaga yung pasok tapos yung bunso naman sa tanghali pa ang pasok o kung minsan ay maaga rin lalo na kung may p.e. Siyempre ako rin may time pa kasi 11:30 pa ang pasok ko. Hay naku, bakit ba ako na lang palagi? Ano bang meron ako?
Next. Yung mga pinsan ko nakaasa rin sa akin. Especially yung isa kong pinsan na 1st honor sa school nila. By the way, running for honor pala yung bunso kong kapatid. 2nd honor lang kasi siya last year e. Back to the topic, yung pinsan ko na yun ay tine-text pa ako. Ilalagay niya sa text yung tanong tapos ilalagay niya yung pangalan niya sa dulo nung text. Siyempre, eto na naman ako magiging busy na naman sa pagsagot sa assignments nila. Minsan pa nga pupunta pa dito sa lugar naming yung ninang ko na nanay nung pinsan ko na yun para magpagawa nung kung anuman. Karaniwan may kinalaman sa pag-iinternet. E-mail. Kesyo magaling daw ako pagdating sa internet. Alam ko daw lahat pagdating sa kompyuter. E madali nga lang kasi yun. Pero hindi ko sinasabing sobrang dali. Patience rin kung minsan. Kaya gusto kong mag-masteral ng computer science o kaya kumuha ng elektib ng comsci. Dagdag ko lang. Sana nga ang naging course ko na lang ay comsci kasi mas gusto ko yun. Kasyo sa ibang course ako dinadala ng kapalaran ko e.
Lagi ko ngang sinasabi na magpakabit na kasi kami ng internet kaso hindi naman ginagawa. Nagpapabili ako ng laptop kasi may internet yun di ba? E hindi naman ako binibili. Ang tagal-tagal ko nang gustong magkaroon nun. Tapos kapag nakikiusap sila o kaya yung parents ko na i-internet yung mga kapatid ko pumupunta pa ako sa mga computer shops. Nakakapagod rin kaya yun. Ang sakit na nga ng ulo ko ngayon kasi ang daming pinapabasa sa amin tapos dumadagdag pa yung mga pinapagawa nung mga kapatid ko. Kapag ako naman yung may pinapagawa sa mga kapatid ko, nagagawa ba nila? Bihira. Minsan galit pa. Ganun yata talaga. Panganay daw kasi ako. Ang koneksyon nun. Bakit hindi nila pag-aralan kung anuman ang mga nagagawa ko na hindi nila sa ngayon nagagawa. Paano na lang ag buhay nila kung wala ako?
may mga gentleman pa rin pala
Lagi ko na kasing kasabay yung nanay ko sa uwian. Yung ginawa ko kasing sked ay kapag monday at thursday ang uwi ko ay 5:30. Kapag tuesday at friday naman, 4:00. E di ba kapag bandang hapon na, rush hour na? Kaya naman nung halos puno na yung mga dyip na sana ay sasakyan namin, may natanaw ako na bus. Dun kami sumakay kahapon.
Pagpasok naming sa dyip, medyo puno. May dalawang nakaupo lang dun sa tatluhang upuan kaso parang masikip dun kasi dalawang matabang mama yung nakaupo. Sabi ng nanay ko dun daw kami umupo sa likuran. E di punta naman ako sa may likuran. Tapos, yung nanay ko bigla ba namang umupo na dun sa dalawahan sa may likuran tapos ako pinapaupo dun sa mismong likurang upuan. Yung mahaba. Bale may isa na kasing nakaupo sa dalawahang upuan na inupuan niya kaya hindi na ako pwede dun. Nung uupo na ako, actually may space pa naman. Bigla ba namang nag-volunteer yung isang lalaki na dun na lang ako umupo kaso biglang tumayo yung isa pang lalaki tapos parang dun niya yata ako pinapaupo. Natuwa naman ako kasi dalawa pa silang nagpapaupo sa akin.
Isa lang yung tumayo dun sa dalawa. Yung unang nagpapaupo sa akin, siya yung nakatabi ko. Napapansin ko nga, tumitingin siya sa akin. Natakot naman ako kasi baka may kasabwat yun sa bus tapos mag-snatch ng bag ko. Maghinala ba daw? Kasi tingin siya ng tingin. Tapos nung may sumakay ulit, tumayo siya tapos pinaupo niya yung dalawang matandang babae. Wala lang. Hindi pala siya snatcher.
Ang sama ko noh? Ginawan na nga ng kabutihan, pinaghinalaan pa. Anyway, nakakatuwa lang talagang isipin na may mga gentleman pa rin. Flashback lang ulit, bigla ko kasing naalala. Nung sumakay pala kami nung dyip, sabi kasi nung konduktor isa na lang daw. E yung nanay ko gusto nang makasakay tapos siya pa yung unang naupo. E sikikan na. E di wala na akong maupuan tapos biglang may tumayo na lalaki at pinaupo ako. Then siya, sumabit na lang siya. Thank you sa inyo.
ang pagshi-shift ko at kung ano na kaya ako sa hinaharap?
Hindi ko talaga alam. Minsan kapag
nagpaplano, hindi yun ang nangyayari kaya kailangan ko lang siguro na maghintay.
Balak ko na kapag naka-graduate na
ako sa b.a filipino, magma-masteral ako. Ituluy-tuloy ko na daw sabi ng nanay
ko kasi once daw na nakapagtrabaho na, minsan kinakatamaran na daw ang
mag-aral.back to masteral. Gusto ko sanang kunin ay com sci kasi nga kukunin
daw ako ng tito ko na nagta-trabaho sa dubai. Kailangan yata dun ng mga magagaling sa computer. Tapos kukuha rin ako
ng units sa education. Yun lang. Sabi kasi ng nanay ko, huwag daw akong
magmadali kasi mas madali daw ang mag-aral kaysa maghanap ng trabaho. Siguro
nga. Ini-estimate ko nga, 22 years old na ako kapag natapos ko na lahat. Kasama
na dun yung masteral at pagkuha ng units sa education.
Ang tanda ko na nun. Tapos wala pa
akong nagagawa sa buhay ko. Ni wala pa nga akong nakuhang trabaho kahit part
time lang. Kasi ayaw ng nanay ko na magtrabaho ako habang nag-aaral. Madali na
daw yun. Basta kailangan daw, maka-graduate ako.
Sabi nila, kapag bata pa daw gusto
ng tumanda. Pero kapag na-reach na yung age na bandang 20 parang gustong iurong
ang panahon. Parang ganun nga yung nangyayari sa akin. Kasi naman, nag-shift pa
ng course. Anong masama dun?
One time nung nasa malikhaing
pagsulat pa ako, tapos majors na. Talagang iniyakan ko yung ibang subjects ko
kasi dumating yung time na parang gusto ko nang sumuko. Yung dun sa isa yung
stage play, terror kasi yung prof. Talagang may iniyakan ako at iyon ay yung
paggawa ko ng script. Pero hindi ako umiyak nung pinahiya ako sa klase. No
choice kasi e. Walang ibang prof. na pagpipilian.
Flashback lang. Nung first day ng
klase namin sa prof. na yun, hindi ko pa alam na terror siya hanggang sa
kumalat na nga yung balita. Tapos nung dumating siya, halos malaglag yung puso
ko. May pinagawa siya sa akin, sabi niya on the spot daw na i-translate ko yung
script nung play sa tagalog. English kasi yung play. E hindi ko pa siya
masyadong naintindihan nun. Nung tinignan ko yung script, ang lalim ng
pagkaka-ingles. Tapos bigla niyang sinabi na sabihin ko lang daw kung kaya ko o
hindi na i-translate. Sabi ko hindi. Bigla ba naming nagalit siya tapos tumawag
ng ibang kaklase ko. Then, next meeting tinawag na naman niya ako. May
pinapagawa na naman siya, e hindi ko na naman yata masyadong naintindihan dahil
sa sobrang takot ko sa kanya. Biruin niyo, kada salita niya ang lakas ng kabog
ng puso ko. Biglang sinabi niya sa akin, mag-drop na daw ako sa klase niya.
Hindi ko naman pinansin yung sinabi niya. Maraming beses na rin akong napahiya
sa kanya pero okay naman yung binigay niyang grade sa akin.
Flashback ulit. Dun sa paggawa ko
naman ng film script, nasa storyline pa lang ako nun. Umiyak talaga ako kasi
parang wala na talagang pag-asa. Yung mga kaklase ko gumagawa na ng script
tapos ako nasa storyline pa rin. Nandun yung feeling na napag-iiwanan na ako.
Gusto ko na sanang i-drop pero pasalamat ako sa mga friends ko dahil pinapalakas nila yung loob ko tsaka ayaw ng
nanay ko na mag-drop ako. Buti na lang hindi ako nag-drop kasi okay rin yung
binigay sa akin na grade. Tinulungan pa nga ako ng isa kong friend sa topic
kasi puro reject yung mga storyline ko.
May mga dahilan kung bakit ako
nag-shift. Obviously dahil baka maging prof. ko na naman yung terror. Tsaka
baka hindi ko na kayanin pa ang mga madudugong pagsusulat. Hindi naman nga kasi
ako super galing pagdating sa pagsusulat. Then, may kinaiinisan pa ako na prof.
at nalaman ko na siya pala ang magiging adviser namin kung sakaling nagtuloy
ako sa course na mp. Yung iba pa, masyado kasing maraming dahilan. Sabi nga
nila, kapag ayaw maraming dahilan. Ayaw ko na nga ba? Kaya nga nung nag-shift
na ako ng course, dun na ako nagsimulang mag-blog. Kasi ang pag-shift ko ng
course ay hindi nangangahulugang ayaw ko na. Sabihin na lang nating gusto kong
i-try ang ibang fields of interest ko. Ayokong nakakulong lang ako sa isang
bagay.
If ever man, talagang pangarap ko
na ang magtrabaho sa mga network stations. Gusto ko pa nga, maging host
someday. Kapag nag-masteral naman ako, baka kunin na ako ng tito ko at dun na
ako magtrabaho sa dubai. Bigatin ang sweldo dun. Yun nga lang, baka ma-homesick
ako. Then kapag nakakuha na ako ng units sa education, magiging teacher ako.
Madali daw makahanap ng trabaho kapag teacher, sabi ng tatay ko. Tapos baka daw
maging principal pa ako. Naks!
But then again, hindi ko alam kung
anong magiging kapalaran ko. Basta kailangan lang ipagpatuloy ang buhay. Kung
may pampaaral, bakit hindi mag-aral?
Para rin naman sa akin at sa future ko ang dahilan kung bakit
ako pinapag-aral. Tignan na lang natin. Hindi naman nga masama ang maghintay.
mali ba ang desisyon ko sa course?
Like what i’ve said dun sa previous
post ko, paiba-iba kasi ako ng desisyon kaya nga parang kailangan ko ng
adviser. As in personal adviser. Paano ba naman kasi, hindi ko malaman kung mali ba yung desisyon ko na nag-b.a filipino ako? So far, masaya
rin naman sa b.a Filipino. Kaya lang, puro graduating na yung mga b.a Filipino
na nakikilala ko. Ako na lang yata yung 3rd year. Hindi pa nga yata
3rd year kasi nga nag-shift ako. Tapos nabalitaan ko pa na walang
freshie na b.a Filipino. Mayroon rin naman daw nagnais na mag-b.a Filipino kaso
mababa daw yung grade kaya hindi kinuha.
Nung nasa malikhaing pagsulat pa
ako, aaminin ko malaking tulong talaga yung course na yun kasi marami akong
natutunan pagdating sa pagsusulat. Tapos nahilig na akong sumali sa mga
contest. Yung recent na sinalihan ko ay yung palanca. Sana
manalo yung entries ko.
May pagpipilian kasi e. Yun yung
ayaw ko. Kung itutuloy ko ba ang course ko na malikhaing pagsulat sa filipino o
mag-shift sa b.a filipino. Kasi naman, nung tinatanong ko yung parents ko, yung
tatay ko gusto niyang mag-malikhaing pagsulat ako kasi gusto niyang magtrabaho
ako sa mga network stations. Yung nanay ko naman, b.a filipino daw tapos ang
labas ko daw ay teacher. Tapos bahala daw ako kung anong desisyon ko.
Matagal ko ring pinag-isipan. Kung
magtutuloy ako sa mp, ano pa bang mga isusulat ko? Kung sabagay, marami na rin
akong experience kaso napaka-subjective kasi ng pagbibigay ng grade. Kung hindi
kagandahan yung gawa, mababa yung makukuha. E hindi naman ako ganun kagaling
pagdating sa pagsusulat. Lalo na last sem, talagang nainis ako sa isang prof. ko.
Nai-post ko na rin ditto sa blog ko na ito ang tungkol dun. Masayang magsulat.
Tulad na nga lang itong pagpo-post ko sa blog, talagang malaki rin ang
naitutulong nito para mabilis na makapag-isip ng mga isusulat.
Back sa desisyon ko. Itutuloy ko na sana yung mp kaso bigla ko talagang naisip na iba naman. Para maiba
lang. Kaya nag-b.a Filipino ako. Nung malaman nung nanay ko yung naging
desisyon ko, sabi niya teacher daw ang labas ko. E ayaw kong maging teacher.
Kaya nung mga panahong yun, parang gusto ko sanang mag-mp na lang kaso huli na
ang lahat. Na-submit na namin yung mga papers at b.a Filipino na ang nailagay
ko. Tsaka nung nag-submit ako ng entry sa palnca, b.a Filipino yung nilagay ko
sa resume. E kung mag-iiba pa ako baka ma-disqualified kung sakali mang manalo.
Gusto ko talagang manalo dun.
Nung makita ko nga yung friends ko
na rin na naging classmates ko last sem, sabi nila bakit nag-b.a filipino daw
ako? Wala lang talaga. Maiba lang. Ayan tuloy, 3 years pa ako sa campus. Nung
nagdedesisyon pa ako sa course ko, humingi na rin ako ng payo sa mga dabarkads
ko. Alam naman kasi nila na gusto ko ang course na b.a filipino dati pa kaya
sabi nila na parang okay na mag-b.a filipino ako para at least, dalaw yung
nakuha ko.
Ngayon, dahil nga b.a filipino na
ako parang gusto ko nang maging isang teacher. Yun naman yung una kong pangarap
nung bata pa ako kaso dahil nga bata pa ako, madalas na kung ano yung mga
kilalang propesyon, yun yung nagiging part ng pangarap. Naisip ko kasi, dito sa
mga public schools sa amin, halos wala nang natututunan yung mga bata lalo na
sa mga lower sections pero nakakapasa. One thing na naisip ko is, hindi
magaling yung guro. Bakit maraming nagka-cutting classes? Marahil dahil rin sa
guro. Kung ako kaya ang maging guro nila? Ewan ko rin. Hindi ko pa alam kung
saan ako dadalhin ng kapalaran. Tignan na lang natin.
magmura ba daw sa harapan ko
May business kasi kami – school
supplies. E sa divisoria kami namimili para mura tapos ang benta naming ay mura
rin kaya dinudumog ang tindahan namin ng mga estudyante at di estudyante. Once
a week kung magpunta yung tatay ko sa divisoria. Tapos dahil nga nasa uplb na
yung isa kong kapatid na madalas niyang kasama, ako na yung isinasama niya
ngayon.
Napapagod nga ako kapag pumupunta
sa divisoria. Sari-sari pang amoy yung naaamoy ko. Tapos siksikan pa. Mareklamo
ba ako? Wala lang. E bakit pa ako pumunta dun? Wala lang rin. Gusto ko lang.
So yun na nga. Nung pauwi na kami.
Ang bilis maglakad nung tatay ko tsaka yung mamang may dala nung mga pinamili
namin. In short, nahuhuli ako sa paglalakad. Ang layo na nila. Binilisan ko
yung lakad ko pero sadyang mabagal yata akong maglakad. Tapos sa pagmamadali
kong maglakad, nakita ko yung parang grupo ng mga babae na kasalubong ko. Yung
isa nakikipagdaldalan tapos hindi nakatingin sa dinadaanan. E mababangga na
niya ako kaya huminto ako. Tapos nung pagtingin niya sa harapan niya, ewan ko
kung nagulat siya basta napamura siya sa harapan ko. As in harapan. Nagandahan
yata. Joke.
Para ngang ang dating sa akin, minura niya talaga ako. Mumurahin ko rin sana
kaso alam niyo naman, hindi ako nagmumura ng harapan. Naks! Ayoko kasing
makasakit ng damdamin ng ibang tao tsaka bawal sa amin yun. Kapag narinig kasi
kami ng parents namin lalo na yung tatay ko na nagmumura kami, naku ewan ko na
lang kung anong mangyari sa amin. Pero biglaan kasi kaya minura ko siya sa isip
ko. Yun lang. Sa isip naman e.
pagpunta sa uplb ng walang digicam
Actually, pwede namang pumunta sa
los baños ng walang digicam. Wala lang. Maarte lang kasi ako. Paano ba naman
yung digicam, hiniram. E hindi namin alam kung sino ang humiram kaya hindi
tuloy namin makuha. But anyway, ibabalik naman yata nung humiram.
Nagpunta kasi kami sa uplb last
saturday – june 16. Hinatid naming yung kapatid ko. E di yun, pagpunta naming
dun sa dorm niya, nag-ayos kami nung mga gamit niya. Sa totoo lang, mabuti na
rin palang hindi ako nagdala ng digicam kasi napakaraming puno. I mean, kung
titignan ang shape ng mga puno at nung iba pang halaman, may makikita talaga na
anyo. Promise. Bigla nga akong natakot nung habang pauwi na kami tapos
nakatingin ako sa mga halaman, may nabuo talaga na korte ng tao. Yung anyo niya
ay parang galit. Something like that. Try niyo kapag nagpunta kayo dun o kahit
na sa ibang lugar na mapuno.
Anyway again, masaya naman ang
pagpunta naming dun. Dalawang pamilya nga kami e sa loob ng sasakyan nung
pumunta dun. Kaming pamilya tapos yung pamilya nung driver ng nanay ko sa
office nila. Kasi hiniram namin yung sasakyan nila. Yung sasakyan kasi namin,
hanggang san mateo lang e. Kasi hindi pa napaparehistro. Mahirap na kapag
nauli.
Balik uli sa digicam, sana ibalik
na yun. Balita ko, nasira daw nung humiram. Sana nga maibalik na kasi
magpi-picture-picture ako.
sa cal 101
Nagre-request kasi ako ng certificate of year level standing at certificate of good moral character. May ina-applyan kasi ako na scholarship. Ang due date ay june 12. E di ba nga first day ng klase namin yun. Kaya nga nagpaaga ako ng pasok.
E di yun na. Nung nasa cal 101 na ako, ipinakita ko yung resibo na nagpapatunay na nabayaran ko na yung mga nire-request ko na certifications. Tapos, kinuha nung assistant dun na classmate ko dati yung resibo. Hinanap niya yung nire-request ko. Then, pinapasok ako sa cal 101. May nakausap ako dun. Sabi niya papirmahan ko daw sa prof. na nakakakilala sa akin yung certification of good moral character tapos bumalik daw ako. E may klase na ako kaya hindi muna ako kaagad bumalik.
Matapos ang klase ko, pinapirmahan ko sa isang prof. yung certification then balik ako sa cal 101. Hindi pala nila naibalik yung resibo ko. Pero okay lang kasi may pangdepensa ako na hawak ko yung certfication of good moral character at pinababalik na lang ako.
So, ibinigay ko na. Hinahanap yung resibo. Sabi ko ibinigay ko na nung umaga pa. Kasi hindi naibalik. Yung good moral na binigay ko ay papipirmahan pa nila college secretary na nagkataong umuwi na pala kaya bumalik na lang daw ako kinabukasan. Hapon na kasi ako nakabalik. E umaga pa ako nagpunta nun. Sumunod na hinanap nila ay yung isa ko pang request na certification.
Matapos ang paghihintay, ibinigay na nila sa akin. Akala ko tapos na kaso nung binasa ko mali yung nakalagay. Ang dapat nakalagay sa certification of year level standing ay kung anong year ko na base sa maki-credit na subjects dun sa nauna kong course at hindi dun sa student number ko. Kung student number ang pagbabasehan, 3rd year na ako. Pero kung sa maki-credit, hindi ko pa alam. Either 2nd year o 3rd year. Pero malamang 2nd year. Kasi nga malikhaing pagsulat ako dati tapos b.a filipino na ngayon. E nung binigay yung curriculum, nasa 13 subjects lang na katumbas ng 1 year ang maki-credit. E nung binasa ko nga, ang nakalagay dun sa certification ay 2nd year pa lang ako pursuing yung course ko dati. E tapos na ako sa course ko na yun. So mali. Itinatanong nila sa akin kung ang mali daw ba ay yung course. Inexplain ko naman. Oo mali yung course. Ewan. Hindi ko rin kasi alam dahil ang kailangan kong malaman ay kung 2nd year o 3rd year standing na ba ako sa course ko na b.a filipino. Mukhang hindi pa nila nababago yung course ko. hindi ko rin naman sila masisisi kasi ongoing pa rin ang enrollment at marami pa silang ginagawa.
Hayun, pinababalik nila ako kinabukasan kaso hindi ako bumalik kasi wala akong pasok kinabukasan. Wednesday kasi. Kaya sa Thursday na ako babalik. Pinoproblema ko nga kasi baka hingiin na naman nila yung resibo e wala akong maipapakita. Mag-eexplain tuloy ulit ako. Ganun naman palagi.
pasukan na
Independence day. Nagpaaga ako na pumasok sa campus kasi may aasikasuhin ako. Nagpahintay pa nga ako sa mga friends ko dun sa cal 101. Dating gawi, tuwing pasukan ay magpapa-validate kami ng id. Okay naman ang first day. Hindi na nga pala kami kukuha ngayong sem ng anhro 10 kasi nung na-meet namin yung prof. para sa ital 10 ay sa tingin namin ay okay naman siya. Akala nga namin nung pumasok siya sa room ay assistant prof. parang ganun. Kasi ang bata pa niya. Parang kaga-graduate lang. Yun pala, siya na yung prof. namin. Maaga nga niyang dinismiss yung klase.
Next class ko, na meet ko na rin yung prof. Madalas kasi kapag first day ng pasukan, hindi nagpapakita yung mga prof. Bihira. Tatlo lang ang klase ko sa araw na yun. At tatlo rin the other day. Para equal. At lahat ang start ay 11:30.
Magkakaklase kaming magkakaibigan sa 1st class which is ital 10. Yung mga dabarkads ko. Yung prof. ko sa 2nd class at 3rd class ay iisa. Dun sa 2nd class ko, may kakilala na ako, siyempre yung friend ko na kapareho ko ng course. Tapos sa 3rd class wala. E di nagpakilala ako. Classmate ko dun yung dati ko ng naging classmate nung 1st year pa ako. Dun ko lang nalaman na pareho pala kami ng course tapos may mga ipinakilala siya sa akin na mga friends niya na mga b.a filipino rin. Tapos nakipagkilala ako. May nakilala rin ako na taga-masscom na nagkataong journ pa ang course. E yung mga friends ko, o dabarkads na kaklase ko sa ital 10 ay kumukuha ng disiplina sa ibang college ng journ. Wala lang. Usap-usap lang kami. Kuwentuhan. Hanggang sa napansin naming hindi pa dumarating yung prof. namin. E di ba nga pareho yung prof. ko sa 2nd class at 3rd class. E nagpakita naman yung prof. namin na yun sa 2nd class ko. Yun pala sa 3rd class ko sa kanya, ipinabigay lang yung classcards. Umuwi na lang tuloy ako.
nakakaasar na kostumer
May tindahan nga kasi kami. Malapit sa mga schools. E may nakalatag kami sa harapan na mga art paper at colored paper. Magkatabi pa. Tapos, may bumibili ng art paper na yellow gold. Sabi naman ng kapatid ko meron daw. E di hinanap ko. Pero ang alam ko, colored paper ang may ganun kami na tinda. Tapos nung ipakita ko yung colored paper na yellow gold, tinanong nung kostumer na yun kung magkano. Sabi ko P1. Parang takang-taka siya. Sabi ko naman, colored paper kasi yun. Yung art paper .50 cent. Ang kulit talaga. Bigyan ko daw siya ng 14 na yun. Tinuturo niya yung colored paper. .50 cent daw naman. Sabi ko P1 nga yun. E pinagpipilitan niya na .50 cent. Sabi ko ulit, colored paper kasi yun hindi art paper. Ang kulit. Tapos, sabi ko wala kaming art paper na yellow gold, colored lang. Colored. Hayun, umalis siya. Pumunta sa ibang tindahan pero wala namang nabili na art paper na yellow gold. Buti nga sa kanya.
nakapapagod maghanap nung mga ge subjects
Enrollment na kasi namin. Muntik na nga akong magka-problema sa pagkuha nung form 5 or rather, reg mat. Kasi naman, kailangan pala ng picture. E wala namang sinabi sa akin na kailangan nun. Basta, sinabi lang sa akin ng mga friends ko dun mismo sa room na kukuhanan namin nung form. Nung una kami lang tatlo yung nasa room. Tapos dahil nga kailangan nung picture, naghalungkat pa tuloy ako. E ang nakita ko ay yung 2×2 na picture ko nung first year pa ako. Pwede na yun. Kaysa naman magpa-debelop pa ako e ang layo kaya ng sc sa as. Tsaka baka matagalan pa ako. Tapos biglang humaba yung pila pero naidikit ko na yung picture ko dun sa ibibigay namin para makuha yung form 5. rather, registration materials pala. Sumingit na lang kami sa likod nung isa naming friend na una sa pila. Kasi kami naman talagang kaming tatlo ang nauna.
Nung makuha na namin, hindi muna namin sinulatan yung form 5 kasi magma-manual enlistment kami. Gusto kasi ng friends ko na palitan yung inenlist ko sa kanila na italian 10. Kasi sa masscom pa sila manggagaling tapos next subject ay cal tapos masscom ulit. E wala na silang break. Tapos gusto nung isa kong friend na 3 days lang yung pasok niya kasi kapag may italian 10 sila, magkakaroon pa sila ng pasok sa friday. E kung wala na nun, monday, tuesday, at thursday lang ang pasok nila. Kaya naghanap tuloy kami ng ge na mth. Nakigaya na rin ako kasi sabi ko sa sarili ko na kapag magbabanyagang wika ako, gusto ko kasama sila. Ang subject na italian 10 ay obviously, banyagang wika.
Hayun, pinuntahan namin halos lahat ng room para magpa-enlist ng ge. E 10:30 pa magsisimula ang enlisment ng anthro at philo. Yun kasi yung nais namin na ge. 9:00 pa lang yata nun. Sabi ko, punta muna kami sa geog. Sa fc kami nagpunta. Matapos naming hanapain yung room na sinasabing enlisment ng geog, may note sa pinto na sa as daw kami pumunta. E di punta naman ulit kami sa as. Nung pumasok ako sa room na enlistment ng geog, sinabi ko lang yung time. Nagre-request pa nga ako ng prof. kaso wala ng slot na available. Sabi ko kasi, mth 2:30 – 4:00. May ipinakita sa akin na dalawang bagong bukas yata na geog. Kaso yung prof. sa isa hindi ko kilala. Sa isa naman, tba pa. E nagtanung-tanong na ako sa iba kong friend ng mga ok na prof. Buti na lang, may nakita na isa pang slot. Talagang nag-iisang slot na lang yun. Yung prof. ni-recommend ng isa kong friend kaya dun na lang ako nagpa-enlist sa prof. na yun. May ipinakita pa kasi sa akin na new class, e wala pa kahit isang naka-enlist. Kaya nga new class e. Tapos may isa pang pinakita sa akin, medyo konti pa lang yung naka-enlist tsaka hindi ko kilala or rather, wala akong balita tungkol sa prof. na yun.
Then, hanap kami ng ibang ge. Punta ulit kami sa enlisment room ng anthro at philo. May mga naghihintay na pero wala pa yung mag-eenlist. Hanap kami ng iba. Kung saan-saan na kami nakarating. Tapos nung makabalik kami sa anthro at philo, walang anthro 10. may note sa blackboard na sa registrar daw pumunta. Punta naman kami ng registrar. Yung philo sobrang haba ng pila tapos dalawa lang ang availbale na slot. E tatlo kami. Hanap tuloy kami ng iba. Punta kami sa enlistment room ng bio, chem, physics, european languages, soc sci. Tapos tuwing pipila kami, umaalis rin kami kasi nga sobrang haba ng mga pila tapos nagkakaubusan na ng slots. Balik ulit kami sa anthro tapos philo. By the way, halos magkatabi lang kasi yung enlistment room nung dalawa. In short, nagpabalik-balik kami.
Nung pumila nga kami para sa french 10, nung kami na yung susunod bigla ba namang sinabi na wala na daw availbale slot. Sa chem naman, pumila kami kaso napansin namin na yung mga nakapila ay nagsusulat na lang sa yellow paper at wala na yung nag-eenlist. Inisip namin na baka wala ng availbale slots. Kasi wala na rin yung nag-eenlist. Dun naman sa physics, nung kami na yung susunod sa pila biglang sinabi na closed na daw. Sakto talaga nung kami na. Para sa graduating na lang daw yung natitira pang slots. Sabi ko, baka hindi talaga nakatadhana sa amin yung mga ge na yun.
Balik uli kami sa enlistment room ng european laguage. Nag-try kami sa span 10. tapos, lunch break na at wala na rin yatang availbale na slot. Tapos nag-try kami ng pi 100. Ayoko pa ngang kunin yun e kasi feeling ko hindi pa namin dapat kunin yun. pero parang nagustuhan ko na ring kunin kasi nandun yung prof. na gusto ko. E biglang wala na daw available na slot.
Lunch break na. Pumunta kami sa katag. Talagang ang sakit-sakit na ng mga paa namin. Tapos pila rin sa katag. Sabi ko sa casaa kami kasi nung huling punta namin dun para bumili ng inumin, medyo marami pang bakanteng upuan tapos nung makarating kami dun, wala na ring maupuan. Sa tagal naming nakatayo dun, nakahanap rin kami ng mapu-pwestuhan. Yung isa kong friend, hindi na yata siya kumain kasi may titignan daw siya sa as. Tapos nag-text na lang siya na dun na lang kami magkita sa cs atrium. Nagbabakasakali rin kasi kami na makakuha ng slot sa nat sci. Again, ge subject yun. Pero sa kasamaang palad, sobrang haba ng pila at feeling ko wala ng availbale na slot. In short, walang nangyari sa paghahanap namin ng ge. Sa akin pala meron kasi nakahanap ako ng isa. Yung geog nga.
Kaya isinulat na lang namin sa form 5 yung mga nakuha naming slot sa crs. Hindi ko isinulat yung subject na ipapa-cancel ko. Ipapa-cancel ko yung subject na yun, yung pan pil 103 kasi may posiblidad na ma-dissolved. Inunahan ko na. Ayun lang. Magpi-prerog na lang kami ng athro. Talagang ang kulit namin sa anthro 10 noh?